Heneral Luna: Ang Obra

HIndi ako magpapanggap na malawak ang aking pangunawa sa kasaysayan ng Pilipinas. Hindi ako pinalad na magkaroon ng mga guro na nakapagpaliwanag sa ating makulay na kasaysayan kagaya ng nagagawa ng isang mahusay na aklat o pelikula kaya isa ito sa mga kurso na hindi ko binigyan ng pansin.

heneral luna

Heneral “Articulo Uno” Luna

Pero ang isang bagay na alam ko mula sa sariling karanasan at obserbasyon ay ito: Bihira ang Pilipinong nagmamahal sa Bayan. Walang kinalaman dito ang mga kababayan nating naghahanapbuhay sa ibang bansa o ang mga napipilitang magpaampon sa ibang bayan dahil sa pagnanais ng maginhawang buhay. Ang tinutukoy ko ay ang pang-araw araw na pagwawalang-bahala sa ikabubuti ng bansa — mula sa simpleng pagpapakita ng kabutihang asal sa pagtatapon ng basura o pagsunod sa batas trapiko.

Hindi ibig sabihin na ang mga Pilipino ay kulang sa pag-ibig, bagkus, kulang lamang tayo sa pag-ibig sa Pilipinas. Gaya nga ng linya ni Heneral Luna sa pelikula, “Kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya pero para sa isang prinsipyong makabayan?”

Kung ating pagninilaynilayan lamang, hindi ito isang akusasyon o obserbasyon na binibitawan ng basta-basta dahil lamang sa init ng ulo na nakakabit na sa pangalang Heneral Luna. Isa itong masakit na konklusyon sa mga taon ng pakikipaglaban para sa dignidad at kalayaan ng bansa.

Ang mga pangyayari sa  Heneral Luna ay hindi naman malayo sa ating buhay ngayon. Kung gano kahalaga na malaman at maintindihan ng mga mamamayan ang totoong sitwasyon ng bayan noon, ganun din ito kaimportante ngayon.

mga kapatid mayroon tayong mas malaking kaaway kasya mga amerikano ang ating sarili heneral luna

Ang kagandahan nito, nasa ating mga kamay ang solusyon

Walang banyagang gobyerno na nakaupo sa Malacañang pero ang ating mga mata ay nakatutok sa labas ng bansa — pano gayahin ang kanilang pananamit, ano ang usong pagkain, ano ang bagong paraan ng pamumuhay. Ika nga ni Dr. Jose Rizal: pati ang ating mga kapintasan ay hiram.

Malimit sa ating pangarap ay magbakasyon sa ibang bansa. Hindi masama, pero sa tulad nating mahina ang ekonomiya, mas mainam sana na paikutin ang salapi sa loob ng bansa. Kung ito lang ay napaguusapan, marahil marami rin naman ang susuporta sa ganitong adhikain.

negosyo o kalayaan bayan o sarili heneral luna

Siguro di na dapat pag-isipan pa ang sagot

Naghihingalo ang Filipino — ang wika nating sarili na dapat sana ay ating kabisado gaya ng sarili nating anino pero mas pinipili pa nating maging bihasa sa wika ng iba. Nakakahinayang ang mayaman nating wika na may eksaktong salita para sa lahat.

Halimbawa, mayroon tayong apat na salita ng pagpapahayag ng nag-iisang salitang Ingles na love – pagmamahal, pag-ibig, pag-irog, pagsinta. Ang bawat isa ay iba ang ibig sabihin, iba-ibang uri ng pagmamahal sa iba’t ibang antas. Di ba nakakamangha?

Ang Heneral Luna ay isang obra hindi lamang dahil sa ito ay isang magandang pelikula na mahusay ang pagkakasulat at pagkakaladha. Ang obra nito ay ang pagbubukas ng diskusyon na akmang-akma sa panahon natin ngayon na uhaw ang mga mamamayan sa katotohanan. At lalo lamang gumaganda ang usapang ito dahil sa darating na halalan.

Ikaw, ano ang gusto mong buksan? Ano ang gusto mong baguhin? Pagusapan natin.

ang taong may damdamin ay hindi alipin heneral luna

Ang ating kalayaan ay nasa ating sariling mga kamay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s